Scam Hub? Opisina sa Cebu Ipinasara ng PNP

Cebu City — Isang opisina na hinihinalang “scam hub” ang ipinasara ng mga awtoridad sa Cebu City matapos ang isinagawang ocular inspection at search warrant operation ng Philippine National Police (PNP).

scam hub sa cebu huli

Ayon sa ulat, pagdating ng mga operatiba sa lugar ay wala silang nadatnang mga tao sa loob ng opisina—tanging mga desktop computer, laptop, at ilang personal na gamit na posibleng pagmamay-ari ng mga empleyado ang naiwan.

Ikinasa ang operasyon matapos mag-viral sa social media ang isang video na inupload ng isang content creator na nagpakilalang hacker. Sa naturang video, ipinakita umano nito ang CCTV footage ng nasabing kumpanya, na agad naging sentro ng espekulasyon at imbestigasyon.

Bunsod nito, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang PNP upang siyasatin ang nilalaman ng mga electronic devices at alamin kung may kaugnayan ang opisina sa mga ilegal na aktibidad gaya ng online scams at cybercrime.

Sa ngayon, isinasailalim pa sa forensic examination ang mga nasabat na kagamitan upang matukoy kung may ebidensyang mag-uugnay sa mga ito sa mga iligal na operasyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang nananawagan ang PNP sa publiko na maging mapagmatyag at agad magsumbong sa anumang kahina-hinalang gawain sa kanilang paligid.

via Jessee Atienza / PTV Cebu

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top