Maynila, Pilipinas — Nagpahayag ng pasasalamat si dating Senate President Manny Villar kay Vice President Sara Duterte para sa suporta nito sa kanyang anak, si Camille Villar, na matagumpay na nahalal bilang senador.

“Maraming salamat kay Vice President Sara Duterte sa kanyang suporta sa kandidatura ni Camille na isang malaking dahilan sa kanyang pagkapanalo,” ayon kay Villar.
Inalala rin ni Villar ang malalim na pagkakaibigan ng kanilang pamilya sa pamilya Duterte na nagsimula pa noong 1998. Noong panahong iyon, siya ay Speaker ng Kamara at si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsisilbi bilang kongresista ng Davao City.
“Ito ay isang pagkakaibigan na hindi lamang personal, kundi nakabatay sa aming nagkakaisang pangarap tungo sa pagkakaisa at pag-unlad ng sambayanan,” dagdag niya.
Tiniyak ni Villar na ang mga adhikaing ito ang patuloy na isusulong ni Camille Villar bilang bagong miyembro ng Senado.
“Maraming salamat muli, VP Sara!” pagtatapos ng kanyang mensahe.
Buong mensahe from Manny Villar’s FB Post
Maraming salamat kay Vice President Sara Duterte sa kanyang suporta sa kandidatura ni Camille na isang malaking dahilan sa kanyang pagkapanalo. Malalim ang pagkakaibigan ng pamilya Villar at Duterte na nagsimula pa ng 1998 noong ako ay Speaker at si dating Presidente Digong ay kongresista ng Davao City. Ito ay isang pagkakaibigan na hindi lamang personal kung hindi nakabatay sa aming nagkakaisang pangarap tungo sa pagkakaisa at pag-unlad ng sambayanan. Ito ang pangarap na patuloy na ipaglalaban ni Camille bilang senador. Maraming salamat muli, VP Sara!
Source : Manny Villar FB


Maria Theresa Mondragon, better known online as Antie Marites, is a 33-year-old Filipina content creator who’s turning “chismis” into credible news and meaningful conversation.
With a knack for storytelling and a passion for public service updates, Antie Marites creates relatable, informative, and bite-sized news content for the digital Pinoy. Whether it’s trending headlines, government announcements, or everyday life in the Philippines, she breaks it down in a way that’s clear, fun, and easy to understand—no filter, no fake news.
She’s the tita who sips her kape while scrolling DBM updates and turns it into your next viral TikTok.She’s also your go-to source for “real talk sa real-time news.”
Follow her journey and daily chika on:
📲 Facebook: OMGMarites
📱 TikTok: @omgmarites2025